Training

Iniluwa ng makitid naeskinitangmay tagpi-tagping bubungang bahay si Hector habang nagmamadaling sumakay ng tricycle.

Magkikita sila ngayonni Beka dahil sa alok nitong trabaho na makatutulong sa kaniyang problema. Kung tutuusin nga, may itsura naman si Hector. Matipuno ang katawan.Matangkad.Kayumanggi ang balat.At nakaaagaw pansin ang kaniyang magandang ngiti.Kahit na nagdadalawang-isip ay tumuloy pa rin si Hector. Handa na s’yang suungin ang ganitong uri ng trabaho.

Mag-iisang taon nang nakaratay sa kanilang lumang papag ang kapatid ni Hector na may kanser. Sa hirap ng buhay ay halos pasukin na n’ya ang lahat ng uri ng trabaho. Construction worker. Kargador sa palengke. Gasoline boy.Hindi sapat ang kita ng kaniyang ina sa paekstra-ekstrang pagtanggap ng labada sa kanilang mga ka-barangay dahil sa mahal na kailangang gamot na inireseta ng doktor noong isang taon pa nang huling ipa-check-up ang kaniyang kapatid. Kung minsan ay may nagpapalaba, kung minsan naman ay wala. Halos magkasing kapal na nga ang kalyo ng kaniyang ina sa kamay at paa dahil sa kalalaba nito. Iniwan naman sila ng kaniyang walang kuwentang ama nang sila ay bata pa lamang at sumama sa kabit nitong nakilala sa suking bar sa Maynila. Kung kaya’t kahit kinakabahan ay lakas loob n’yang susunggaban ang alok na trabaho ni Beka, isang bakla na matagal nang may gusto sa kaniya ngunit hindi niya pinapansin.

“Magandang Umaga Baby Hector!” bati agad ni Beka ng makitang papasok si Hector sa kaniyang pinapasukang parlor.

Ginantihan n’ya lang ito ng isang misteryosong ngiti.

“Nasa’n na ‘yung sinasabi mong trabaho?” saad ni Hector.

“Weyt lang, ‘wag kang masyadong magmadali!” sabay sapo sa kanyang harap na mabilis naman niyang naiwasan. “Magbibihis lang ako saka tayo aalis,” dugtong pa ni Beka.

Sumakay silang dalawa sa taxi nangwalang kasiguraduhan ang patutunguhan.

“Saan tayo?” sabat ng drayber.

“Basta mag-drive ka lang kuya,” sabi ni Beka.

“Mahirap namang basta magda-drive lang ako nang hindi alam ang pupuntahan natin,” patuloy pa ng drayber.

Hindi na ito pinansin ni Beka sa halip ay ininterbyu n’ya na lang si Hector habang binabaybay nila ang kahabaan ng kalsada sa Sta. Mesa.

“Sigurado ka na ba talaga sa papasukin mo na ‘to?” tanong ni Beka kay Hector.

“Wala na akong ibang alam na trabaho. Hindi naman ako nakapagtapos man lang ng elementarya kaya’t nahihirapan akong humanap ng trabaho. Kaya’t kahit kinakabahan ako ay papatusin ko na,” sagot ni Hector.

“May karanasan ka na ba?” patuloy na tanong ni Beka.

“Ha? Wala pa!” sagot uli niya.

“Ano? Wala pa?” nabiglang sagot ni Beka. ”Mabigat ang ating kliyente ngayon, si Mr. Chancil. May-ari ng isang bar sa Malate at malaki magbayad kung maganda ang iyong performance,” dagdag niya.

“Pa’no n’yan, virgin pa ‘ko?” tugon ni Hector.

“Ma, pakiliko muna d’yan sa may pulang building,” sabi ni Beka sa drayber na agad naman nitong naintindihan.

Kinakabahang pumasok si Hector kasama si Beka sa isang motel. Kahit wala s’yang ideya sa gagawin nila ni Beka ay patuloy pa rin s’ya sa paglalakad hanggang sa matagpuan ang kuwartong nirentahan nilang dalawa.

“Hindi ko kayang tumbasan ang perang kikitain mo mamaya dahil maliit lang ang kinikita ko sa parlor. Pero sigurado akong makatutulong ako sa’yo para mapagamot mo ang iyong kapatid na may sakit,” malambing na turan ni Beka.

Saka nagmamadaling sinunggaban ni Beka ng halik sa Hector. Sa una’y umiiwas pa si Hector dahil unang beses pa lang niyang makahalik sa kapwa niya lalaki. Mayroon naman na s’yang karanasan sa paghalik sa mga naging syota n’yang babae pero hindi kasing agresibo ng halik ni Beka.

Dahan-dahang gumapang ang kamay ni Beka sa saanmang sulok ng katawan ni Hector. Sa ulo, sa dibdib, papuntang pusod at saka pababa sa kaniyang…

Biglang napatigil sa paghalik si Hector. Napatigil din si Beka saka biglang nagtanong.

“Sigurado ka na ba talaga?”

Katahimikan.

“Oo,” sagot ni Hector na tila nawala na ang kaba at buo na ang loob sa gagawin.

Ginagawa n’ya ito para mapagamot ang kaniyang kapatid, para sa kaniyang nanay at para tustusan ang pang-araw-araw na kailangan upang mabuhay ang kanilang pamilya. Nais n’yang tumigil na sa paglalaba ang kanyang ina para hindi na ito mahirapan at para maalagaan nang mabuti ang kaniyang kapatid na tila nanunuyot na ang katawan dahil sa iniindang sakit.

Saksi ang aircon sa loob ng kuwarto. Ang kama na naghihintay sa kanilang dalawa. Ang T.V. na tila na nagmamasid sa mga susunod na mangyayari. At kasabay ng pagpatak ng tubig sa aircon ay isang agresibong halik muli ang itinapon ni Beka kay Hector. Sa pagkakataong ito, lumalaban na rin ng halik sa Hector. Pumailanlang sa buong kuwarto ang naglalagablab na eksena. Isa-isang inalis ang saplot ng bawat isa. Kinalimutan muna ang mundo sa labas. Punung-puno ng sarap ang buong kuwarto. Halos dilaan ni Beka ang buong katawan ni Hector na parang wala nang bukas. Halos tumirik din ang mga mata ni Hector sa ginagawang paghigop ni Beka sa kaniyang sandata.Masarap.Mainit.Masikip.Sa tingin ni Hector ay nalampasan n’ya ang ikapitong glorya. Pinasok nila ang kaloob-looban ng bawat isa. Masarap.Masikip.Nakababaliw. Saka biglang sumirit ang sarap na nararamdaman ni Hector at napalitan ng pagod.

Matapos ang mainit na tagpo ay handa nang harapin ni Hector ang kaniyang magiging kliyente. Handa na s’yang harapin ang bawat kliyenteng gustong magpakasasa sa kaniyang katawan. Tapos na ang kaniyang training. Training natutulong sa kaniya upang maipagamot ang kaniyang kapatid at sa tingin niyang babago sa kanilang buhay.  Inihatid siya ni Beka sa harap ng condo na tinitirhan ng kaniyang unang kliyente at ikalawang tao na makatitikim ng kanyang katawan saka inabutan ng dalawang daang piso.

“Ikaw na bahala sa unang mong kliyente, Enjoy!” sambit ni Beka sabay kindat at saka umalis.

Isang pilit na ngiti lang ang iginanti ni Hector kay Beka.

Naulit muli ang tagpong nangyari kanina sa pulang kwarto sa Sta. Mesa pero sa pagkakataoong ito, mas mainit, mas masarap, mas madulas, mas malaki ang kita pero mas masakit.

Sa araw-araw niyang ginagawa ito kasama ang iba’t ibang tao ay nasanay na rin sa ganitong uri ng trabaho at gawain si Hector. Tila isang libangan na lang sa kaniya ang kaniyang ginagawa. Pero isa lang ang kaniyang kinatatakutan, hindi ang humina ang kaniyang bentahe sa kaniyang mga parokyano. Hindi rin mawalan ng pera. At lalong hindi ang pagkakaroon ng sakit. Kundi ang malaman ng kaniyang ina ang tunay niyang trabaho. Ang alam kasi ng nanay niya at mga kabarangay ay isa siyang service crew na tagalubog ng french fries sa isang sikat na fast food chain sa bansa at taga-serve ng burgers, chicken at spaghetti. Ngunit mali ang akala nila, ibang pagkain ang isine-serve niya sa tao, kundi ang kaniyang katawan mismo.

Sa pagdaan ng mga araw, hindi niya namalayan ang mga sakit, pait at bangungot na dala ng kaniyang ilegal na trabaho. Oosa una masarap, pero ngayon ay hindi na. Sakit na ang kaniyang nararamdaman dulot ng kaniyang trabaho.

Nagkaroon ng AIDS si Hector.Nanghina ang kaniyang katawan. Nawala ang dating agresibong katawan sa pagtatalik. Humina ang bentahe ng kaniyang katawan sa mga suki at parokyano.

Naubos ang kaniyang mga naipon sa pagpapagamot sa kaniyang kapatid na sa kalaunan ay namatay rin. Wala na s’yang pera na pambili ng sariling gamot. Hindi na rin kaya ng kaniyang ina na tumanggap ng labada. Gustuhin man niyang gamitin muli ang kaniyang katawan sa pagtatrabaho ay hindi na pwede, sapagkat wala nang tumatanggap sa kaniyang bilasang katawan dulot ng nakuhang sakit sa ilegal na trabaho.

Nawala na ang karisma n’ya at namamatay na rin ang ningning ng kaniyang katawan.

Nabaligtad na ang ikot ng mundo. Kund dati’y ang kapatid niya ang nakahiga sa lumang papag sa kanilang bahay noon, ngayon ay siya na. Nahihiya rin siyang lumabas dahil sa natamong sakit dulot ng trabaho dahil naging tampulan siya ng tsismis sa kanilang barangay.Nagbago ang kaniyang buhay.Ang dating makulay ay naging madilim.Ang dating tinitingala at pinag-aagawan, ngayon ay iniiwasan.Nagsisisi.At umaasang babalik ulit ang sigla bilang isang lalaki.Lalaking maraming tumatangkilik at pinag-aagawan ng lahat – bilang isang bayaran.

***

Ang tulang ito ay entri ni JOHN CARLOS D. EVANGELISTA sa patimpalak sa pagsulat ng maikling kwento sa Saranggola Blog Awards.

saranggola-336x280

Ang mga sponsor:

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s