SA LOOB AT LABAS NG BAYAN KONG SAWI

KUNG INAGAW ANG LUPA MO AKING BAYAN

 

(Hango mula sa tula ni Amado V. Hernandez na “Kung Tuyo na ang Luha mo Aking Bayan”)

Lumuha ka, katutubo; buong lungkot mong iluha

Ang sinakop na lupain ng mga timawa:

Ang interes ng dayuhan ang kanilang nasa puso,

Pati lupang tinubuan ay binubusabos ng iilan,

Ganito naman sa bansa nating ‘di masilayan ang laya,

Panawaga’y isisigaw, pumupunta ng Maynila.

Lumuha ka, habang sila’y sumasamba sa salita ng dayuhan,

Lupa natin na kay yaman, dayuhan ang nakikinabang;

Katulad mo ay si Huli, na aliping bayad-utang,

Katulad mo ay si Sisa, binaliw ng kahirapan;

Karapata’y ipagtanggol, panahon na ng paglaban,

Tigilan na ang pagtaghoy, yaman nati’y ninanakaw!

Iluha mo ang busabos na ginawa ng berdugo,

“To serve and to protect” ‘yan ang mantra nila kuno,

Katutubo’y sinagasaan, nilapastangan, dinahas,

Kalayaan sa kalunsuran, unti-unting nauubos;

Masdan mo ang kanilang luha, taghoy nila’y kahirapan,

Masdan mo ang kanilang katawan, unti-unting nalalaos!

Lumuha ka kung ang puso ay nawalan ng pag-asa,

Kung ang lupa sa bayan mo ay pinuno na ng mina,

Kung ang paaralan ay nawalan na ng dunong,

Kung ang negosyo’t kapital ay ninakaw na ang nayon,

Kung wala na ang lupain at hindi na makabangon,

Lumuha ka nang lumuha’t ang dangal mo’y nakaburol.

May araw ding ang berdugo, silang lahat matutuyo,

May araw din ang pumaslang sa kapatid nating katutubo,

Ang dadaloy, kundi apoy, at apoy na kulay dugo,

Sama-samang kikilos, lalaban nang buong puso,

Isisigaw ang kalayaan, sisindihan mo ang sulo,

Sisilaban natin sila, mamatay nang buslo-buslo,

Nasa atin ang tagumpay, ubusin ang mga berdugo!

 

***

 

KAPAG KASAMA KITA, MAHAL

 

Kapag kasama kita, Mahal

Para akong nasa alapaap,

Na dumuduyan sa ulap sa bawat pag-ihip ng hangin.

Na ikaw ang taga-ugoy sa akin sa mahimbing na pagtulog.

At ikaw rin ang gigising sa pamamagitan ng iyong mga halik,

Nang iyong mga yakap,

At ng iyong pagpapaalala sa akin na mahal mo ako,

Na mahal kita.

Na habambuhay ay tayo na.

Kapag kasama kita, Mahal

Para akong nasa tubig,

Lumulutang sa agos ng dagat na ikaw ang kasama.

Nagbabangka tayong dalawa,

Nagsasagwan patungo sa walang kasiguraduhang buhay

Sa loob ng maraming taon.

Ngunit handa akong suungin ang lahat basta ikaw ang kasama ko, Mahal.

Kahit hindi ako sigurado.

Kahit alam kong may along maaaring magpataob

at sumira sa ating bangka.

Kakapit pa rin ako sa iyo,

dahil alam kong kapag kasama kita,

Ligtas ako.

Kapag kasama kita, Mahal

Para akong nasa bahaghari.

Binibilang ang bawat kulay na mayroon ito.

Na mahal mo ako kahit sino at ano ako.

Walang pinipiling oras at panahon,

Walang pinipiling edad at kasarian,

Walang pwedeng humarang sa ating pagmamahalan,

Dahil tulad ng bahaghari, makulay ang buhay

Kahit hindi alam kung saan at paano ito nagsimula,

Basta alam nating pagdating sa pagmamahal,

Walang sinoman ang dapat makasira.

Kapag kasama kita, Mahal

Para sakong nakasakay sa magarang kotse,

Sa mamahaling eroplano,

Sa eklusibong tren na para lamang sa atin

Kahit na sa simpleng motor lamang tayo nakasakay.

Hindi alintana sa ating ang init ng araw

Na nagbibigay pasakit sa buhay.

Basta ikaw lamang ang magmamaneho ng ating tadhana,

Sasakay ako.

Kahit hindi naka-seatbelt, susuungin ko.

Dahil alam kong, kapag ikaw ang kasama,

Ligtas ang buhay ko.

Kapag kasama kita, Mahal

Para walang ng bukas.

Hindi inaalintana ang oras.

Kulang ang isang araw,

Isang linggo,

Isang buwan,

At isang taon sa atin.

Dahil ang tunay na pagmamahal,

Hindi binibilang sa tagal

Kundi sa saya at pagiging tapat sa isa’t isa.

Kaya tuwing kasama kita, Mahal

Kuntento na ako,

Wala na akong mahihiling pa

Dahil ang pangarap ko ay nasa akin na.

 

***

 

ALING PAG-IBIG PA ANG HIHIGIT KAYA?

(Halaw mula sa tula na “Aling Pag-ibig Pa” ni Jose F. Lacaba”

Aling pag-ibig pa ang hihigit kaya

sa pag-ibig Niya sa mundo?

Sa lungkot at ligaya,

Sa hirap at ginhawa,

Kahit mahirap o mayaman,

Siya’y kasa-kasama mo.

Kung ang unos ay dumating sa buhay,

Siya’y laging nand’yan at nakaagapay.

Kung nawawalan ng pag-asa,

At laging lumuluha,

Siya ang iyong sandalan, lagi mong kasama.

Kung ang sa iyo ay may nang-aapi,

Siya’y iyong laging kakampi.

Kung namiminsala ang bagyo’t baha,

Siya’y may kubong ligtas.

May pag-ibig pa bang tunay at dakila,

Sa pagmamahal sa atin ni Hesu-Kristo.

May pag-ibig pa bang higit na dakila,

Sa pag-ibig Niya sa atin,

sa mundo.

Wala nga, wala.

Wala na nga, wala.

Wala na nga, wala.

 

 

***

Ang tulang ito ay entri ni JOHN CARLOS D. EVANGELISTA sa patimpalak sa pagsulat ng tula  sa Saranggola Blog Awards. (1) KUNG INAGAW ANG LUPA MO AKING BAYAN (Pag-asa); (2) KAPAG KASAMA KITA, MAHAL (Pag-ibig); at (3) ALING PAG-IBIG PA ANG HIHIGIT KAYA? (Pananampalataya)

 

 

saranggola-336x280

Ang mga sponsor:

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s